Home NATIONWIDE Kaso ng HIV sa bansa posibleng pumalo ng 500K sa loob ng...

Kaso ng HIV sa bansa posibleng pumalo ng 500K sa loob ng 6 na taon – DOH

MANILA, Philippines – Inaasahan ng Pilipinas na lalampas sa 500,000 ang mga kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa loob ng 6 na taon, ayon sa Department of Health (DOH).

Nagtala ng humigit kumulang 50 bagong kaso ng HIV sa isang araw ang Pilipnas habang ang kasalukuyang bilang ng mga HIV-positive na indibidwal sa bansa ay umabot na sa 185,000, sabi ni DOH spokesperson Dr. Eric Tayag.

Iniugnay ni Tayag ang mataas na bilang sa pagtaas ng social media at pag-aatubili ng publiko na magpasuri para sa HIV, na binanggit na ang Pilipinas ay mayroon lamang 40 porsiyentong test rate para sa nasabing virus.

Sinabi ni Tayag na habang ang karamihan sa mga kaso ng HIV sa Pilipinas ay nabibilang pa rin sa 25-34 age group, ang mga kaso sa mga nasa pagitan ng 15 at 24 taong gulang ay tumaas din.

Naglulunsad ang DOH ng mga information campaign para hikayatin ang publiko na bumisita sa kanilang testing at treatment hubs upang pigilan ang pagkalat ng HIV.

Inaatake ng HIV ang white blood cells na nagpapahina sa immune system ng mga infected ng virus. Kung hindi magagamot, maaaring magkaroon ng HIV sa acquired immunodeficiency syndrome (AIDS).

Binanggit ng World Health Organization (WHO) na ang HIV ay kumakalat mula sa body fluids ng katawan ng isang tao na infected kabilang ang dugo, breast milk, semen at vaginal fluids.

Sinabi ng WHO, na bagamat maaaring mailipat ito mula sa isang ina patungo sa kanyang fetus, hindi ito kumakalat sa pamamagitan ng mga halik, yakap o pagbabahagi ng pagkain. Jocelyn Taangcura-Domenden

Previous articleP358M pekeng sigarilyo nasamsam sa raid sa Cavite
Next articleBabaeng guro, kalaguyo huli sa akto ng asawa: May ginagawang milagro sa klasrum!