Home METRO Babaeng guro, kalaguyo huli sa akto ng asawa: May ginagawang milagro sa...

Babaeng guro, kalaguyo huli sa akto ng asawa: May ginagawang milagro sa klasrum!

MANILA, Philippines – Huli sa akto ng asawa ang kanyang misis at kalaguyo nito na nagtatalik mismo sa silid-aralan sa Aringay, La Union.

Ayon sa pulisya, nagtungo ang asawa ng babae at anak nito sa paaralan bandang 9:30 ng gabi.

Dito na nakita ng lalaki ang kanyang asawa at kalaguyo na nagtatalik sa loob ng silid.

Humingi ng tulong ang lalaki sa mga pulis sa pamamagitan ng kapitan ng barangay para magsampa ng kaso laban sa dalawa.

Itinanggi naman ng guro ang nangyari at sinabing hiwalay na sila ng kayang asawa.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang insidente. RNT/JGC

Previous articleKaso ng HIV sa bansa posibleng pumalo ng 500K sa loob ng 6 na taon – DOH
Next articlePabasa nagsimula na!