Home HOME BANNER STORY Kaso ng ligaw na bala sa Bagong Taon, nadagdagan ng 4 –...

Kaso ng ligaw na bala sa Bagong Taon, nadagdagan ng 4 – DOH

MANILA, Philippines – Nakapagtala ng karagdagang 4 na bagong kaso ng stray bullet injuries ang Department of Health.

Kasabay nito ay mayroong ding iniulat na 11 pang fireworks-related injuries, na nagdala sa kabuuang bilang ng injuries noong holiday season sa 600.

“There are now 600 injuries overall, with 592 due to fireworks, 1 due to Watusi ingestion, and 7 due to stray bullets. Two have died while 53 are currently in hospital for treatment,” saad sa pinakabagong report ng DOH.

Ayon pa sa ahensya, ang ikalawang casualty ay mula sa kaparehong insidente na kumitil sa buhay nang una.

“The 44 year old man was in the same blasting incident where the first death was linked,” sinabi ng DOH.

Halos kalahati sa mga kaso ay nagmula sa Metro Manila, o 313 sa 600 kaso. RNT/JGC

Previous articleDepEd nanindigan sa pagpapahinto ng SHS program sa SUCs, LUCs
Next article73% ng jeepneys, nakapag-consolidate sa PUV modernization – LTFRB