Home LIFESTYLE HEALTH Kaso ng mpox sa Pinas, bumaba ng 79% sa 2026 – DOH

Kaso ng mpox sa Pinas, bumaba ng 79% sa 2026 – DOH

1
0

MANILA, Philippines – Bumaba ng 79 porsiyento ang naitalang kaso ng mpox sa bansa ngayong 2026 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ayon sa Department of Health (DOH), sa kabila ng mga naitalang lokal na kaso.

Sinabi ni DOH spokesperson Undersecretary Albert Domingo na may 44 na kaso ng mpox na naitala mula Enero 4 hanggang Hunyo 13, 2026, kumpara sa 205 kaso sa parehong panahon noong 2025.

“While the disease has always been around, there is no outbreak or even an increase in numbers,” ani Domingo.

Dagdag niya, hindi inilalabas ng DOH ang detalye ng bawat kaso upang maiwasan ang stigma at masunod ang Data Privacy Law, lalo na’t mababa ang bilang ng mga kaso.

“The DOH does not discuss individual case circumstances to avoid stigma and to comply with data privacy laws, especially in the context of a markedly lower case count,” aniya.

Sinabi rin ni Domingo na maaaring maglabas ang mga local government unit ng sarili nilang public health advisories kung kinakailangan.

Inilabas ng DOH ang pahayag kasunod ng mga naiulat na kaso ng mpox sa isang condominium sa Mandaluyong City.

Ang mpox ay isang zoonotic disease na naipapasa mula sa hayop patungo sa tao at kumakalat sa pamamagitan ng malapit na physical contact. Karaniwang sintomas nito ang flu-like illness at mga sugat o lesions sa balat na may nana. Bagama’t kadalasang banayad, maaari rin itong ikamatay.

Ayon sa DOH, maaari ring maipasa ang mpox mula tao sa tao sa pamamagitan ng direktang pagdikit sa skin o mucosal lesions, malapitang pakikipag-usap o paghinga, paghalik, paghawak, pagyakap, pakikipagtalik, at exposure sa respiratory secretions. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here