Home HEALTH Kaso ng tigdas sa Pinas, tumataas

Kaso ng tigdas sa Pinas, tumataas

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng kaso ng measles-rubella sa bansa na may kabuuang 922 kaso naitala mula Enero 1 hanggang Marso 1,2025.

Nagmarka ito ng 35% na pagtaas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon na may 683 kaso na iniulat.

Ang pagtaas ng kaso ay partikular na nakakaalarma sa ilang rehiyon kabilang sa National Capital Region, CAR,Ilocos, Bicol, estern Visayas at SOCCSKSARGEN.

Sa mga iniulat na mga kaso, 625 o 68% ay mga bata na hindi nabakunahan o hindi nakumpleto ang kanilang pagpapabakuna kontra tigdas.

Upang mapigilan ang measles outbreak, ang DOH ay aptuloy na nagsasagawa ng routine measles, mumps, at rubella (MMR) vaccination para sa mga bata na edad 9-12 buwan sa mga health centers sa buong bansa.

Bukod dito, isasagawa ang catch-up immunization drive sa Marso para sa mga bata na edd 13-59 buwan sa piling mga rehiyon kabilang ang Cenral Luzon , Calabarzon, SOCCSKSARGEN at BARMM.

Nilalayo nitong mabakunahan ang ma bata na hindi pa nakakakunahan o hindi nakumpleto ang pagpapabakuna ng kanilang MMR dose.

Pinayuhan ng DOH ang publiko na panatilihin ang tamang personal at respiratory hygiene tulad ng paghuhugas ng kamay na may sabon at tubig, iwasan ang pagkalat ng impeksyon .

Pinayuhan din ang mga magulang na ipakonsulta agad ang kanilang mga anak kapag may sintomas ng tigdas gaya ng mataas na lagnat, rashes s akatawan, ubo, runny nose at red eyes. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)