MANILA, Philippines – Plano ng Department of Education (DepEd) na gawing dalawa na lamang ang Senior High School (SHS) tracks: Technical-Vocational-Livelihood (TVL) at Academic.
Layunin nitong mapabuti ang kahandaan ng mga estudyante para sa kolehiyo at trabaho.
Inilahad ng DepEd sa pagdinig ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) noong Marso 13 ang planong ito, na ipatutupad sa school year 2025-2026.
Kasama rin sa reporma ang pagbawas ng required subjects mula 31 hanggang pito, na may core at elective subjects para sa mas flexible na career pathways. Santi Celario