Home NATIONWIDE Lead counsel sa kaso ni Digong sa ICC pinangalanan ni VP Sara

Lead counsel sa kaso ni Digong sa ICC pinangalanan ni VP Sara

 

Inanunsyo ni Bise Presidente Sara Duterte na si Nicholas Kaufman, isang abogadong British, ang mangunguna sa depensa ng kanyang ama sa paglilitis sa International Criminal Court (ICC) para sa krimen laban sa sangkatauhan.

Matapos ang paunang pagdinig ng ICC’s Pre-Trial Chamber, kinumpirma niyang nakipagpulong na sila kay Kaufman at may nakatakdang karagdagang pagpupulong sa kanyang pagdating.

Kasama rin sa legal team sina dating tagapagsalita ng pangulo Harry Roque at dating executive secretary Salvador Medialdea.

Nakatakda ang susunod na pagdinig sa Setyembre 23 para sa kumpirmasyon ng mga kaso.

Ang nakatatandang Duterte ay nahaharap sa akusasyong pagiging “indirect co-perpetrator” sa pagpatay ng hindi bababa sa 43 hinihinalang drug offender at kriminal mula 2011 hanggang 2019. RNT