Home ENTERTAINMENT Kaso ni Bea vs dating kasambahay, ibinasura!

Kaso ni Bea vs dating kasambahay, ibinasura!

Manila, Philippines- “Sana all!”

Ito ang pabirong sambit ni Cristy Fermin makaraang ibasura ng Quezon City Prosecutor’s Office ang demanda ni Bea Alonzo laban sa dati nitong kasambahay.

Kinatigan ng piskalya si Flor Magallon dahil sa kawalan umano ng sapat ebidensya para madiin ito sa cyber libel case na isinampa laban sa kanya ng aktres.

Si Flor ang sinasabing nobya ng dati ring driver na pinatalsik ni Bea na si Efren Torres de los Reyes.

Si Efren ang naghabla kay Bea sa National Labor Relations Commission o NLRC dahil umano sa ‘di pagbabayad ni Bea ng mga kaukulang sahod nito.

Kabilang dito’y ang night differential, 13th pay, overtime pay, holiday pay at kung anu-ano pa.

Dahil ibinasura nga ng QC Prosecutor’s Office ang cyber libel case laban kay Flor ay napa-“Sana all!” si Cristy at co-anchor sa CFM na si Rommel Tsika.

Nahaharap din kasi ang dalawa sa kaprehong kaso.

Ayon naman kay Cristy, ayaw niyang pangunahan ang piskalya.

Kung may sapat namang ebidensya, well and good.

Bukod kay Bea, sinampahan din ng asunto nina Dominic Roque at mag-asawang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan si Cristy.

Ito’y bukod pa sa demanda ng ina ni Sarah Lahbati. Ronnie Carrasco III