MANILA, Philippines- Nasa 777,624,682.82 milyong halaga ng dangerous drugs ang muling sinunog ng Philippine Drugs Enforcement Agency ( PDEA) sa Integrated Waste Management, Inc ( WMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martires City, Cavite.
Ang kabuuang solid na ilegal na droga na may 1,474,916,7594 gramo at 378.5 milliliters ang susunugin sa pamamagitan ng thermal decompositions.
Pinakamaraming ilegal na droga ang wawasakin kung saan nasa 66,700.7640 gramo ng methamphetamine na kilala sa tawag na shabu, 1,390,743.5422 gramo ng marijuana at 14,145,4798 gramo ng MDMA o Ecstasy, 428,4432, Cocaine,1665,3900 ng Ephedrine,1,073.8415 ng Psilocin, 206.5 milyong liquid meth, at 172 milililiters ng liquid marijuana.
Ang nasabing drugs evidence ay ilalagay sa loob ng chamber at susunugin sa 1,000 degree na temperatura magdamag at muling bubuksan kinabukasan upang suriin kung natunaw na lahat ng droga na nasa loob ng chamber at walang maiiwang residue upang maiiwasan ang recycling.
Dumalo sa naturang aktibidad ang mga kawani ng Department of Justice (DOJ), Department of the Interior and Local Government DILG, local officials ng Brgy. Aguado ng nasabing lugar, Philippine National Police (PNP), NGOs at ibang Law Enforcement Agencies at media.
Ayon sa PDEA, maayos namang nasusunod at naisasagawa ang pagwasak sa drogang ebidensya na nakumpiska sa ginawang operasyon PNP at iba pang law enforcement agencies. Margie Bautista