Manila, Philippines – Patuloy pa ding dinidinig ang kasong rape through sexual assault at acts of lasciviousness na isinampa ni Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors na sina Richard Cruz at Jojo Nones sa DOJ.
Muling nanariwa sa alaala ang naturang kaso nang mamataan si Sandro kasama ang isa pang anak ni Niño Muhlach na si Alffonso kaugnay sa pagkakasangkot ng kanilang ama sa isang vehicular accident sa Antipolo City kamakailan.
Matatandaang may dalawang taon nang nakakaraan ang kaso ni Sandro.
Ayon sa abogado nina Cruz at Nones na si Atty. Maggie Abraham, posible daw magkaroon na ng promulgation sa kaso bago matapos ang taong ito.
Nag-file na daw sila ng formal offer of evidence for the defense: “Next hearing is for checking if magre-rebuttal evidence pa ang prosecution.”
Pag hindi na daw, magtatakda na ng petsa para i-release ang desisyon.
Obyus namang naka-move on na si Sandro na wala na pala sa Sparkle ng GMA. Ronnie Carrasco III