Home HOME BANNER STORY Kaso vs pulis na suspek sa Catherine Camilon case ibinasura

Kaso vs pulis na suspek sa Catherine Camilon case ibinasura

MANILA, Philippines- Ibinasura ang kaso laban sa isang police officer na sangkot sa pagkawala ng beauty pageant contestant na si Catherine Camilon.

Batay sa ulat, ibinasura ng regional prosecutor ang kasong kidnapping at serious illegal detention na inihain laban kay dating Police Major Allan de Castro at kanyang driver-bodyguard na si Jeffrey Magpantay.

Dinispatsa umano ang mga reklamo dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Batay sa nakarang police investigations, huling nakita si Camilon kasama si de Castro bago ito mawala.

Wala pang komento ang prosecutor ukol dito. RNT/SA