MANILA, Philippines- Sanib-pwersa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para tiyakin ang food supply sa mga jail facility.
Ito ay naisakatuparan ayon kay Assistant Secretary Irene Dumlao sa pamamagitan ng regional memorandum of understandings (MOU) na pinirmahan ng DSWD field offices (FOs) at counterpart nito na BJMP offices.
“As the chair of the Inter-Agency Task Force on Zero Hunger (IATF-ZH) and the lead of the Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Program, the DSWD recognizes the importance of a whole-of-government approach in ensuring food security among vulnerable sectors, including persons deprived of liberty (PDLs),” ang sinabi ni Dumlao.
Base sa datos, nilagdaan ni DSWD FO 10 – Northern Mindanao Director Ramel Jamen ang isang kasunduan kasama si BJMP 10 Director, Jail Chief Supt. Cesar Langawin noong Pebrero 3.
Ang iba pang DSWD FOs ay nilagdaan na may kahalintulad na partnerships kasama ang BJMP at iba pang member agencies ng EPAHP mula 2022 hanggang 2024.
“At present, we have 15 FOs that have a MOA or MOU with the regional counterparts of BJMP,” ang sinabi ng tagapagsalita ng DSWD.
Sa ilalim ng kasunduan, ang DSWD sa pamamagitan ng EPAHP-Regional Management Offices, ay pangungunahan ang Regional Convergence Teams sa pakikipagtulungan at rasyonalisasyón sa pagsisikap ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan at instrumentalities upang matiyak ang whole-of-government approach para makamit ang zero hunger sa rehiyon.
Imo-monitor din ng DSWD at susuriin ang progreso ng pamahalaan na wakasan ang pagkagutom, makamit ang food security, paghusayin ang nutrisyon at isulong ang napananatiling agrikultura.
Para sa BJMP, ang kani-kanilang regional offices ay pumayag na magtatag ng partnerships sa EPAHP-accredited community-based organizations (CBOs) nag-aalok ng agricultural products na kailangan para sa paghahanda ng pagkain para sa PDLs, at mga alituntunin para sa tamang implementasyon ng EPAHP Program.
Taong 2024, nakaugnay sa EPAHP Program ang kabuuang 31 CBOs sa BJMP regional offices, ginawa silang isa sa mga supplier ng pagkain at iba pang ani sa iba’t ibang jail facility sa buong bansa.
“By linking CBOs and small-holder farmers to prospective markets, we are helping them sell their food products. Last year, 31 CBOs secured a total of PHP754,859.00 worth of contracts with BJMP,” ang sinabi ni Dumlao.
Sa Memorandum Circular (MC) 47, ipinalabas noong Abril 2024, inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng ahensya ng pamahalaan at instrumentalities na suportahan ang EPAHP Program.
Bukod dito, inatasan din ng Pangulo ang mga miyembro ng IATF-ZH na umugnay sa nagpapartisipang CBOs sa mga mga inaasahang merkado at i-adopt ang community participation procurement para hikayatin ang CBOs na magpartisipa sa EPAHP Program.
Layon ng EPAHP Program “to institutionalize efforts to mitigate hunger and promote food and nutrition security by linking CBOs to prospective markets and providing credit assistance to support food production, processing, and distribution.” Kris Jose