Home NATIONWIDE Sindikato ng pekeng dokumento nakapasok sa gobyerno – Gatchalian

Sindikato ng pekeng dokumento nakapasok sa gobyerno – Gatchalian

MANILA, Philippines- Malaki ang posibilidad na nakapasok o may umiiral na sindikato ng pekeng dokumento ang nakabaon sa buong makinarya ng gobyerno na ginagamit ng ilang indibidwal tulad ng Chinese nationals na nakakakuha ng Filipino citizenship.

Inihayag ito ni Senador Sherwin Gatchalian matapos matuklasan na nakakagawa ng pekeng dokumento ang isang travel at consultancy firms na nagpapalaba ng pekeng Philippine government documents.

“The recent raid strengthens our suspicion that criminal syndicates have infiltrated agencies such as the Philippine Statistics Authority (PSA), Bureau of Immigration, Department of Foreign Affairs (DFA), and Philippine National Police (PNP),” ani Gatchalian sa pahayag nitong Biyernes.

Kamakailan, natagpuan ng ilang miyembro ng  Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang mga birth at marriage certificates at isang passport na may litratong dayuhan ngunit may pangalang Filipino sa nilusob na JRB Travel and Consultancy Services Inc. sa Intramuros, Maynila nitong Huwebes.

Hiniling ni Gatchalian na naunang naghain ng isang panukalang batas na palawakin ang kapangyarihan at karapatan ng  Philippine Statistics Authority (PSA) na magpataw ng parusa sa  sinumang civil registrars na sangkot sa pekeng rehistrasyon, na pabilisin ang pagkilo sa pagbuwag ng sindikato.

Binanggit ng senador na kung saan isang indibidwal na nagbayad ng malaking halaga sa travel agency na makakuha ng pagpapalaya ng kanilang nakakulong na kasamahan na isang complainant ang umamin na binayaran ng P900,000 upang makalaya ang kanyang fiancé at isa naman nagbayad ng P1.1.milyon para sa pagpapalaya ng asawa matapos lusubin nitong Enero 17 ang   Philippine offshore gaming operators (POGO) center sa Parañaque City.

Sa  press conference nitong Huwebes, sinabi ni PAOCC Executive Director Gilberto Cruz na pawang missing link ang nilusob na travel agency sa imbestigasyon ng Senado sa POGOs.

Aniya, nagagawa ng kompanya na makakuha ang dayuhan ng dokumento sa gobyerno kaya napananatili sa bansa ang kanilang paninirahan sa kabila ng pagbuwag sa POGOs.

Bukod sa pamemeke ng dokumento, sinabi ni Cruz na sangkot din ang travel agency sa nagsasabing tauhan sila ng PAOCC upang makahuthot ng pera.

Nilinaw ni Cruz na walang aktuwal na opisyal at tauhan ng PAOCC ang sangkot sa modus na ito.

“This is a large-scale syndicate operating with contacts inside various government agencies,” aniya saka inihayag na, “The agency steps on the break during heightened scrutiny but resumes operations once attention fades.”

Iniimbestigahan ng awtoridad ang insider ng sindikato sa gobyerno na nagsasagawa ng “illegal issuance of documents,” ayon kay Cruz. Ernie Reyes