Home NATIONWIDE Katawang natagpuan sa Pasig tugma sa description ng nawawalang Grade 9 student...

Katawang natagpuan sa Pasig tugma sa description ng nawawalang Grade 9 student – police

185
0

MANILA, Philippines – Nadiskubre ng mga awtoridad ang katawan ng isang hindi pa tukoy na babae sa loob ng isang pribadong compound sa Barangay Santolan, Pasig City nitong Lunes, Marso 23.

Sa pahayag nitong Martes, sinabi ng Pasig City Police na tugma ang paglalarawan sa nawawalang dalaga sa natagpuang bangkay.

“The discovery was part of an ongoing investigation and follow-up operations by the Special Investigating Team of Pasig City Police Station relative to a recently reported missing minor,” ayon sa pulisya.

“Initial investigation at the scene found a decomposing female body, fitting the description of the reported missing minor,” dagdag pa.

Nagsagawa ng initial medical assessment ang Pasig Emergency Unit na sinundena ng Eastern Police District (EPD) Forensic Unit sa pagsasagawa naman ng technical investigation.

“The cadaver will be subjected to autopsy examination to determine the exact cause of death and DNA analysis and dental record check to confirm the identity of the cadaver,” ayon pa sa pulisya.

Nauna nang sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson Police Major Hazel Asilo na ang Grade 9 student ay huling nakita noong Marso 18 sa Barangay Santolan matapos magpaalam sa ama na makikipagkita sa mga kaklase.

Iniulat ang kaso Marso 19 kung saan nagsagawa ng serye ng panayam ang mga awtoridad sa pamilya, kaanak at mga kaklase ng dalaga.

Nagsagawa din ng backtracking operations ang pulisya at nakipag-ugnayan sa cybercrime unit para sa technical investigation. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here