Home ENTERTAINMENT KathDen, biglang nanahimik; Alden, nabasted?

KathDen, biglang nanahimik; Alden, nabasted?

Manila, Philippines- May katwirang mag-isip ang karamihan sa mga fans nina Kathtyn Bernardo at Alden Richards or collectively known as KathDen.

Kung ang latest turn of events daw kasi ang pagbabasehan, malinaw na for the sake of their reunion movie Hello Love Again lang ang gimik that something’s between the two of them.

Of late nga naman daw ay wala nang nababalitan tungkol sa KathDen.

Natapos at natapos ang holidays nang walang followup about them.

Nasaan na raw ang binitiwang pangako ng aktres she’d make time for Alden’s birthday last January 2?

Dahil close si Alden sa family ni Kathryn, nagpaabot din daw ba kahit birthday greeting ang Kapuso actor kay Mommy Min, ina ng aktres?

Bigla-bigla kasi ang pananahimik ng dalawa for some strange reason.

Hindi nga naman maiaalis na isipin ng mga KathDen fans na “pinasakay” lang sila, hence their sheer disappointment.

Bale ba, lalo pang tumindi ang kanilang suspetsa na binasted ni Kathryn si Alden sa panliligaw nito sa kanya.

Pero depensa naman ng kabilang kampo–to begin with nga ba’y nanligaw bang talaga si Alden o bahagi din lang ito ng malawakang promo blitz ng HLA?

Hindi raw ba posibleng ine-enjoy lang nina Kath at Alden ang pagiging single?

Why get pressured na gawing totohanan ang relasyon nina Joy at Ethan, kung hanggang sa pelikula lang ito?

Sa madaling salita, huwag nang gawan ng romantic issue ang KathDen dahil kumita na ang pelikula nila.

At sobra-sobra pa nga sa inaasahan! Ronnie Carrasco III