Home NATIONWIDE Amihan patuloy na iiral sa Luzon

Amihan patuloy na iiral sa Luzon

MANILA, Philippines – Patuloy na makakaapekto sa North at Central Luzon ang Northeast Monsoon o Amihan ngayong Lunes, Enero 20, ayon sa PAGASA.

Ang Cagayan Valley, Aurora, at Quezon ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mga pag-ulan dahil sa Amihan.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa kaparehong weather system.

Samantala, ang Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Islands, at Davao Oriental ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa easterlies.

Habang ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies. RNT/JGC