Home ENTERTAINMENT KathDen, dedma sa part 3 ng HLA!

KathDen, dedma sa part 3 ng HLA!

Manila, Philippines- Ilang tulog na lang at showing na ang Hello, Love, Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa November 13. Inaasahan naman na magtatala na naman ito ng panibagong record sa box office.

Sa isang interview ay tinanong ang dalawa kung ok lang ba sa kanila na magkaroon ng part 3 o sequel muli ang Hello, Love, Again.

Sey nila ay ayaw daw nilang magsalita ng tapos pero hangga’t maaari ay gusto na raw nilang tapusin sa pelikulang ito, ang love story nina Ethan at Joy.

Sey ni Alden, time to say goodbye sa kanilang karakter pero alam nilang may “what if.”

Samantala, mas nararamdaman na raw ng KathDen ang pressure ngayon dahil malapit na ngang ipalabas ang kanilang pelikula.

Medyo mabilis ang pangyayari, sey ni Kathryn.

Ngayon nga lang daw nagsi-sink in sa kanya na malapit na silang husgahan sa showing ng kanilang pelikula.

Aminado ang aktres na kinakabahan siya para rito. Ganu’n din daw si Alden, na sinabing napakaespesyal ng pelikulang ito sa kanila ni Kathryn.

‘Yung pressure naroon daw, dahil may tinitingnang benchmark sa nakaraan nilang pelikula ni Kathryn.

Hindi raw maiwasan ‘yung comparison lalo na sa box office pero nasa tao raw ang desisyon. Nasa mga manonood na rin daw ang pagsasabi o word of mouth ika nga, kung ang pelikula nila ay worth watching.

Sey pa ni Kathryn, na mas comforting ngayon dahil hindi na lamang siya mag-isang humaharap sa kaba o pressure dahil kasama niya si Alden. Rommel Placente