Home ENTERTAINMENT Katrina, nakabangon na sa pagkamatay ng nobyo!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Katrina, nakabangon na sa pagkamatay ng nobyo!November 7, 2024 18:06 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Self-help ang pinagbalingan ni Katrina Halili para makabangon mula sa trahedyang sumubok sa kanyang katatagan.Mag-iisang taon na sa January 2025 mula nang pumanaw ang kanyang nobyo.Ayon sa pagsusuri, atake sa puso ang sanhi ng pagkamatay ng boyfriend ng aktres, si Lanao del Sur Vice Mayor Jeremy Guiab.Inamin ni Katrina sa Updated with Nelson Canlas na hindi naging madali ang kanyang naging pagbangon.Pero napagtanto mismo ng Starstruck alumna: “Ano’ng gagawin ko, umiyak nang umiyak?”Nagsilbing therapy raw niya ang pagte-taping ng dalawang show nang sabay-sabay.Katrina told herself na pagdating daw niya sa set ay hindi siya makikipag-usap kung kanino man.“Basta magte-taping lang ako,” aniya.Busy that time si Katrina doing Black Rider and Mommy Dearest.“Kailangan kong magtrabaho dahil may anak ako!” katwiran niya.Ang tinutukoy niyang anak ay si Katie, her love child by Kris Lawrence.‘Yun nga lang, pagkatapos daw ng taping ay diretso na siya sa lamay.Devastated, inisip na lang daw ni Katrina na may dahilan ang nasa Itaas why Jeremy had to go.‘Yun na lang ang pinanghahawakan ko, and it gave me the strength to carry through,” medyo nahihimasmasan na niyang sabi.Almost a year has passed since she lost her boyfriend, is Katrina ready to fall in love all over again?“Sa totoo, hindi ko masabi. Ayoko ring magsalita nang tapos,” pag-amin ng Kapuso actress who’d rather focus daw on her career these days.In short, wala pang “kahalili” si Jeremy sa puso ni Katrina Halili! Ronnie Carrasco III