COTABATO CITY – Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-BARMM) ang mahigit P55 milyong halaga ng ilegal na droga at marijuana na nasamsam sa mga operasyon sa buong rehiyon ngayong taon.
Pinangunahan ni PDEA-BARMM Director Gil Cesario Castro ang pagsira sa isang pasilidad sa Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, kung saan sinunog ang mga droga sa isang high-capacity furnace noong Miyerkules.
Ang Lamsan Incorporated, isang lokal na producer ng cornstarch, ang nagbigay ng incinerator para sa operasyon.
“Nakamit ng PDEA-BARMM ang 76 percent success rate sa anti-drug operations, na nakumpiska ng humigit-kumulang PHP200 milyon halaga ng iligal na droga ngayong taon,” sabi ni Castro sa isang pahayag nitong Huwebes.
Sa kabila ng mga pagsisikap na ito, nagpahayag si Castro ng pagkabahala na ang BARMM ay pumapangalawa na sa pinaka-apektadong lugar sa bansa, kasunod ng National Capital Region. RNT