Home ENTERTAINMENT KathDen, gagawaran ng Phenomenal Box Office King and Queen!

KathDen, gagawaran ng Phenomenal Box Office King and Queen!

269
0

Manila, Philippines- Dahil ang pelikuila nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Again, na sequel ng Hello, Love Goodbye, ay kumita ng 1.6 billion sa takilya noong ipalabas ito sa mga sinehan last year, ay gagawaran ng award bilang Phenomenal Box Office King and Queen ang dalawa sa gaganaping 53rd Box Office Entertainment Awards.

Ang awarding ceremony ay gaganapin sa Sabado, June 28, sa CPR Auditorium/RCBC Building, Ayala Avenue, Makati City.

Bongga ang KathDen, huh!

Last year kasi ay sila rin ang pinarangalan bilang Box Office King and Queen sa Box Office Entertainment Awards, pero sa magkaibang pelikula.

Si Kathryn para sa pelikulang pinagbidahan niya na A Very Good Girl while si Alden naman ay para sa pelikulang pinagtambalan nila ni Julia Montes na Five Breakups and A Romance.

Ang tanong, dumating kaya pareho ang KathDen sa awards night?

May mga balita kasi na hindi sila in good terms ngayon.

Sa isang fashion show nga na dinaluihan nila rati ay sinasabing hindi sila nagpansinan.

Well, abangan na lang natin kung pareho bang darating ang Kathden sa Box Office Entertainment Awards o isa lang sa kanila ang darating. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here