Home ENTERTAINMENT Ronnie Liang, nabiktima ng AI scam: “Hindi ako ‘yan… huwag maniwala!”

Ronnie Liang, nabiktima ng AI scam: “Hindi ako ‘yan… huwag maniwala!”

Manila, Philippines — Nagsalita na si singer Ronnie Liang matapos siyang mabiktima ng panibagong uri ng scam gamit ang artificial intelligence o AI technology.

Ayon kay Ronnie, ginamit ng mga scammer ang kanyang mukha at boses sa isang deepfake video upang linlangin ang publiko—partikular ang kanyang mga fans—na mag-invest sa cryptocurrency o magbigay ng pera.

“Hindi ako ‘yan… huwag maniwala!” mariing babala ni Ronnie sa publiko matapos mabulgar ang ginawang panlilinlang.

Isa si Ronnie sa mga celebrity na nadamay sa lumalaganap na modus na gumagamit ng deepfake, kung saan kinokopya ang hitsura at boses ng mga kilalang personalidad para sa panloloko online.

Nauna nang nabiktima sina Michael V at Gary Valenciano—na ginamit ang imahe para umano sa endorsement ng gamot laban sa cancer.

Dahil dito, panawagan ni Ronnie at ng iba pang mga artista na maging mapanuri at huwag basta-bastang magtiwala sa mga video o mensaheng nagsasabing sila ay sangkot sa mga investment scheme o produktong hindi nila tunay na ineendorso.

Ronnie Carrasco III