Home METRO DavOr inuga ng M-6.3 na lindol

DavOr inuga ng M-6.3 na lindol

MANILA, Philippines – Inuga ng magnitude 6.3 na lindol ang katubigan malapit sa Baganga, Davao Oriental nitong Martes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ang epicenter ay nasa 341 km hilagang-silangan ng Baganga sa lalim na 34 km.

Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks, dagdag ng PHIVOLCS.

Una itong iniulat na may lakas na 6.4 pero binawasan sa 6.3. Santi Celario