Home ENTERTAINMENT KathDen, kinabog ng DongYan!

KathDen, kinabog ng DongYan!

Manila, Philippines- Mukhang may tulog sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa pinagsanib na puwersa ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

This early, malakas ang usap-usapan na sure winner na raw ang Kapuso couple para sa Box Office King and Queen sa Guillermo Mendoza Memorial Awards sa 2024.

Nakapagtala kasi ng unofficial gross receipts sa box office na P200 million ang Rewind.

Ang Rewind ay isa sa sampung official entries sa ongoing na Metro Manila Film Festival.

Early in the race since all 10 entries opened nitong mismong araw ng Pasko’y nangunguna ang Rewind.

Sa kasamaang palad nga lang, butata ito nang idaos ang Gabi ng Parangal nitong December 27.

Wala mang nasungkit na award, Rewind continues to pack huge crowds.

Ito’y sa kabila ng intrigang halaw raw ang kuwento nito mula sa isang foreign movie.

With an estimated partial gross income of P200 million–and still counting–malinaw na kinabog daw ng Rewind ang respective movies nina Kathryn at Alden which were both shown this year.

Balita kasing kapwa kumita ng P100 million ang A Very Good Girl ni Kathryn at Five Breakups and A Romance ni Alden.

Kasama ni Kathryn si Dolly de Leon sa AVGG samantalang si Julia Montes naman ang katambal ni Alden sa FBAAR! Ronnie Carrasco III

Previous article35 Pinoy inilikas kasunod ng Japan quake
Next articleSoKor opposition leader sinaksak sa kasagsagan ng presscon!