Home NATIONWIDE SoKor opposition leader sinaksak sa kasagsagan ng presscon!

SoKor opposition leader sinaksak sa kasagsagan ng presscon!

South Korea's opposition party leader Lee Jae-myung falls after being attacked by an unidentified man during his visit to Busan, South Korea, January 2, 2024. Yonhap via REUTERS

Seoul, South Korea- Sugatan sa pananaksak ang main opposition party leaderng South Korea na si Lee Jae-myung sa pagbisita nito sa southern city ng Busan nitong Martes, ayon sa isang opisyal mula sa kanyang partido.

Bumibisita si Lee sa construction site ng Gadeokdo New Airport nang saksakin siya sa kaliwang bahagi ng kanyang leeg habang nakikipag-usap sa mga reporter, ayon sa opisyal.

Ayon sa Democratic Party, duguan si Lee subalit may malay ito at isinugod sa ospital. RNT/SA

Previous articleKathDen, kinabog ng DongYan!
Next articleJapan handang asistihan ng AFP kasunod ng M-7.6 quake