Home ENTERTAINMENT KathNiel, magkahiwalay na sa Xmas ID ng ABS-CBN; EB, may xmas ID...

KathNiel, magkahiwalay na sa Xmas ID ng ABS-CBN; EB, may xmas ID din!

Manila, Philippines – Usap-usapan ang ilang minutong Christmas station ID ng ABS-CBN.

As expected, napagsama-sama nila ang kanilang mga contractual artists.

May mga kanya-kanyang kumatawan sa kanilang mga top-rating programs.

Ang maganda pa rito, obyus na may element ito ng inclusivity.

Tulad na lang ng It’s Showtime na mapapanood sa GTV at ilang platforms.

Kasama rin ang mga ito sa frames including GMA employees.

‘Yun nga lang, kapansin-pansin na bagama’t makikita sa Christmas-themed station ID sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay magkahiwalay sila sa frames.

Kung bibilangin, lima ang exposures ni Kathryn.

Tatlo naman kay Daniel.

Kung sinasabing ipinatawag ang shoot nito last November, ibig bang sabihin ay break na ang dalawa nu’ng time na ‘yon?

Anyway, hindi rin nagpahuli ang Eat Bulaga.

Meron din silang Christmas ID featuring all hosts led by Paolo Contis and Isko Moreno.

Interestingly, sa loob ng 44 taon since the birth of the noontime program ay ngayon lang sila nakabuo ng ID na may tema ng Pasko.

Hango sa jingle ng EB ang ginamit sa music video.

Makikita rin ang mga nanalo sa iba’t ibang palaro ng EB.

Naroon din ang mga nabahaginan ng tulong sa segment na G sa Gedli.

As Paolo proudly puts it: masaya raw ang Pasko nilang mga hosts and staff ng EB.

For sure, maging ang E.A.T. rin, masaya!

Para ke pa ang linyang isang libo’t isang tuwa sa jingle nila, ‘di ba? Ronnie Carrasco III

Previous articleTerror attack sa MSU kinondena ni Bong Go
Next articleGirls’ Generation YOONA may fan meeting sa Manila!