Home NATIONWIDE Terror attack sa MSU kinondena ni Bong Go

Terror attack sa MSU kinondena ni Bong Go

MANILA, Philippines – Mariing kinondena ni Senator Christopher ‘Bong’ Go, vice chairperson ng Senate committees on national defense and public order, ang pag-atake ng terorista sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City.

“I strongly condemn this cowardly terrorist attack during a mass inside MSU Marawi this morning that killed numerous innocent people and injured many others,” ani Go sa isang pahayag.

Taus sa puso ring nakikiramay sa mga pamilya ng mga namatayan at nasaktan sa pag-atake ang senador.

“Masakit para sa sinumang magulang, kapatid o anak, ang mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung dulot ng karahasan,” anang senador.

Nanawagan ng mabilis na aksyon, hinimok ni Go ang lahat ng law enforcement agency sa bansa na panagutin ang mga responsable sa pagpapasabog.

“Nananawagan ako sa ating law enforcement bodies na tugisin ang sinumang responsable at parusahan sila nang buong puwersa ng batas,” ani Go.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagpoprotekta sa mga institusyong pang-edukasyon mula sa mga ganitong gawain ng terorismo.

“Moreover, acts of terrorism on educational institutions like the Mindanao State University must be condemned. Ensuring the safety of students in schools from terrorist threats is a paramount priority for fostering a secure learning environment,” idinagdag ni Go.

Sa gitna ng naturang trahedya, hinimok ni Go ang mga kapwa Pilipino na manatiling matatag at nagkakaisa.

Ani Go, ang gawaing terorismo ay takutin ang mga tao at kung hahayaan ang ating mga sarili na ma-terrorize ay mananalo ang mga terorista.

Mula sa madilim na abo ng Marawi siege, sinabi ng senador na ang ating mga kapatid sa Marawi ay nakalabas na at hindi na dapat hayaang madiskaril ng isa pang teroristang pagkilos ang mga pagsisikap na makamit ang pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa lungsod.

Ang pagsabog ay naganap sa Dimaporo Gym ng MSU habang ginaganap ang isang misa (First Sunday of Advent) na dinaluhan ng mga estudyante at mga guro.

Tinuligsa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang pag-atake at iniugnay ito sa mga internasyonal na terorista.

Inatasan niya ang mga awtoridad na magsagawa ng mabilis na pagresolba sa kaso at nangako siyang hahanapin ang hustisya para sa mga pamilyang naapektuhan ng trahedya. RNT

Previous articleWala pang kaso ng ‘walking pneumonia’ sa bansa – DOH
Next articleKathNiel, magkahiwalay na sa Xmas ID ng ABS-CBN; EB, may xmas ID din!