Home ENTERTAINMENT KathNiel, nagkita, nag-usap!

KathNiel, nagkita, nag-usap!

Manila, Philippines – ‘Tis the season not only to be jolly but to forgive.

Ganito nga ba ang kinalabasan ng pagkikita’t pag-uusap ng dating magkasintahang sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?

Ayon kasi sa ulat ni Ogie Diaz sa kanyang online program, naganap ang pagkikita ng KathNiel sa ABS-CBN Christmas Special.

Not on stage, kundi sa dressing room sa backstage ng Araneta Coliseum.

Ang siste, pinuntahan ni Daniel si Kathryn sa bihisan nito at may dalang bulaklak.

Kumatok daw ang aktor at pinapasok naman ng glam team ng aktres.

When inside, nagkaroon daw ng pagkakataon ang dalawa na mag-usap.

Hinayaan lang daw sila ng kampo ni Kathryn.

Pero paglilinaw ni Ogie, since wala naman siya sa venue ng mga sandaling ‘yon ay hindi siya privy sa kung ano ang pinag-usapan ng former loveteam.

Sa ngayon, hindi pa kinukumpirma ni Kathryn kung totoo nga ang tsika.

Pero kung totoo mang nagkita’t nagkausap ang mga ito’y dahilan ‘yon para magbunyi ang mga KathNiel fans na hanggang ngayo’y umaasang sila pa rin sa dakong huli.

Hangga’t wala raw ipinakikilalang bagong nobyo si Kathryn ay nananatiling hopeful ang mga fans nila ni Daniel na may Part 2 ang kanilang real-life romance.

Sabi nga, “Hope springs eternal.” Ronnie Carrasco III