MANILA, Philippines- Nahaharap si South Korean President Yoon Suk Yeol sa ikalawang impeachment vote ngayong Sabado sa kanyang maiksing pagtatangka na magpatupad ng martial law na ikinagulat ng buong bansa at humati sa kanyang partido at naglagay sa alanganin sa kanyang pagka-presidente.
Binawi ang kanyang kautusan na magpatupad ng military rule noong Dec. 3 makalipas ang anim na oras na nagpabulusok sa bansa patungo sa constitutional crisis at naging ugat ng mga panawagang bumaba siya sa pwesto sa paglabag sa batas.
Balak ng opposition parties na isagawa ang impeachment vote ng alas-4 ng hapon (0700 GMT) ngayong Sabado.
Hindi dumalo ang mga miyembro ng conservative People Power Party ni Yoon sa unang impeachment vote.RNT/SA