Manila, Philippines- Bagama’t malakas ang bulung-bulungan na magsasama sa isang proyekto sina Kathryn Bernardo at James Reid, wala pa namang opisyal na pahayag ang Kapamilya network ukol dito.
Hindi pa rin kasi nagkakaroon ng storycon ang nasabing project para i-green light na ang kanilang tandem.
Kumbaga, hangga’t walang pinal na anunsyo, mananatiling espekulasyon lang ang lahat.
Pagkatapos din kasing pumutok ang tsika, samu’t-sari ang naging reaksyon ng mga nagmamarisol.
Merong excited at meron din namang hindi pabor sa kanilang team up.
May mga humihirit pa ngang salat sa chemistry ang dalawa.
Pero how true itong chism na binigyan daw ng opsyon si James na mamili sa tatlong leading ladies na inilatag sa kanya.
In other words, siya ang may K na mamili ng partner na feel niyang makatrabaho o babagayan niya.
Ang siste, may mga tweet ang bubuwit na isa raw sa opsyon para maging katambal niya ay si Kathryn.
Sa umpukan naman ng mga tsismosang kapitbahay, pinag-uusapan ang development na ito.
Kung true ba ito, eh, di bongga si James.
Ibig sabihin, ang laki ng pananalig ng kanyang network sa kanyang drawing power.
May mga nagmamaldita namang nag-react na nagsasabing dadalhin ni James si Kathryn and not the other way around.
Ito naman ang ilang komento ng kibitzers.
“Kaloka. Option na lang ba ang biggest moneymaker ng ABS?”
“Ano kaya ang magiging reaksyon ng fans ni Kathryn?”
“Siya ang magbubuhat kay Kathryn.”
“Well, baka naman may bagong pangiliti ang KathJames.”
“Kasama ba sa option sina Liza at Issa?”
“Kung matuloy, enough of the pabebe roles.” Archie Liao