Home ENTERTAINMENT Bimby, todo-workout, pinaghahandaan na ang showbiz!

Bimby, todo-workout, pinaghahandaan na ang showbiz!

300
0

Manila, Philippines- May kasabihan ngang “If there’s a will, there’s a way.”

Angkop ito lalo na sa mga taong determinadong makamit ang katuparan ng kanilang minimithing pangarap.

Hindi nga nalalayo rito ang peg ngayon ni Bimby Aquino.

Hindi nga ba’t ginu-groom siya ng kanyang inang si Kris Aquino to try showbiz?

Balitang for a start, magko-concentrate muna raw si Bimby sa paggawa ng mga TV commercials.

Sa Cornerstone Entertainment ipinagkatiwala ni Kris ang kanyang bunsong anak sa aspeto ng pag-aalaga sa career nito.

Isa rin sa mga tinitingnang posibilidad ay ang pagsabak ni Bimby sa hosting.

In terms of acting, tinanong nga raw ni Bimby ang family friend nilang si Dindo Balares kung sino ang babagay na partner sa kanya.

According to Dindo himself, ngayon daw ay ready na si Bimby sa kanyang showbiz entry.

As a result nga of Bimby’s pagwo-work out ay nagkaroon na ito ng maskuladong katawan.

May abs na ito at flat ang tummy, gone are Bimby’s unwanted fats.

So, huwag magtaka kung pretty soon ay bubulaga na lang sa TV or wide screen si Bimby.

Siyempre, magsisilbing guardian nito’y ang King of Talk na si Boy Abunda. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here