Home ENTERTAINMENT Netizen, bitin na sa jowa reveal ni Carla!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Netizen, bitin na sa jowa reveal ni Carla!August 23, 2025 15:212670 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- First, it was the chin of the mystery guy ang finlex ni Carla Abellana sa Instagram.Siya ‘yung sinasabing naka-dinner date ng Kapuso actress na nagpapatibok ngayon ng kanyang puso.As expected, nabitin ang mga netizens na atat na atat nang masilayan how Carla’s newfound love looks.Then came the guy’s rubber shoes na nasa litrato.Bahagya ring nahagip ang suot na footwear ni Carla.Ang mga aligagang netizens ay nag-research.They found out na pricey pala ang suot na Travis Scott sneakers ng misteryong guy.Si Travis ay ang singer-rapper na dating nakarelasyon ni Kylie Jenner.Again, inaasahan nang hati ang mga comments ng netizens.May mga naiinis kung bakit hindi pa raw kasi ipakilala ni Carla kung sino ang guy na ‘yon, kung paanong marami rin ang masaya para sa aktres.At ang nagkakaisang obserbasyon ng mga ito–pang-teenager daw ang ginagawang pambibitin ni Carla!Pero pasasaan ba’t darating din ang actual reveal na hinihintay ng publiko.Siyempre, sigurista na si Carla…kayo kaya ang manggaling sa isang failed marriage?Oo nga naman! Ronnie Carrasco III