Manila, Philippines- Isa ang pelikulang Abe Nida ng BG Films International sa talagang pinag-uusapan ngga movie critics sa Pinas.
Ang nasabing pelikula ay pinagbibidahan nina Katrina Halili at Allen Dizon.
Sa ngayon ay humakot na ng sandamakmak na awards ang Abe Nida sa iba’t-ibang prestihiyosong festival sa abroad and for the first time ay ipinalabas ito sa Cinemalaya nung Sabado, August 10.
Present sa nabanggit na exhibition ang mga movie critics at halos lahat ay nagkaisa na maganda ang pagkakagawa ng pelikula ni Direk Louie Ignacio, written by award-winning writer Ralston Jover.
Isa ang movie critic/director na si Ronald Carballo ang pumuri at nagsabing maganda ang pagkakagawa ng pelikula habang pinansin din niya ang frontal nudity ni Allen.
Pinaliwanag naman ni Allen kung paano siya napapayag na magpakita ng kanyang ‘pag-aari.’
“Kailangan kasi sa pelikula at bilang aktor, kailangan kong sundin ang sinasabi ng script. Sinabi naman sa akin ni direk Louie kung gaano ‘yun kahalaga sa movie,” sabi ni Allen.
First time ni Katrina na napanood ang Abe Nida at kahit siya ay bumilib sa dalawang character na kanyang ginampanan.
Nangako naman si Madam Baby Go, ang producer ng pelikula, na patuloy pa rin siyang gagawa ng mga de-kalibreng movie kasama ang kanyang in house line producer na si Dennis Evangelista. JP Ignacio