Home ENTERTAINMENT Katya, nagpaliwanag sa sinabing walang reunion concert ang VHB!

Katya, nagpaliwanag sa sinabing walang reunion concert ang VHB!

235
0

Manila, Philippines – Sinabi na nga ng Viva Hot Babe na si Katya Santos na hindi magkakaroon ng reunion concert ang nasabing all-female group–following the successful reunion gig ng Sex Bomb Dancers.

“No reunion for us!” ani Katya sa kabila ng public clamor na magtanghal din sila.

Itinatag noong 2003, the original VHB members ay sina Maui Taylor, Andrea del Rosario, Jen Rosendahl, Sheree Bautista, Gwen Garci, Myles

Hernandez, Kristine Jaca, Hazel Cabrera at Katya.

Ang VHB ang nagpasikat sa awiting Bulaklak.

Ani Katya na nagpasalamat muna sa mga nagre-request na mag-reunite sila via a concert, hindi daw ito magaganap soon.

Sa kasamaang palad daw, “We all have our own different paths to prioritize right now!”

Walang dudang bahagi na ng Pinoy pop culture ang nasabing grupo.

Dagdag ni Katya: “We weren’t just a group–we were a moment, a feeling and a reflection of an era that many still remember fondly.”

Oo nga raw at binubuo ang grupo ng mga modelo’t aktres: “But we never claimed to be professional dancers, and we were never meant to be.”

Ang lakas daw ng VHB ay nakaangkla sa kanilang presence, personalidad at trabaho sa iba’t ibang larangan.

Tungkol naman sa kumpetisyon sa Sex Bomb Dancers, nilinaw ni Katya na ang grupo’y “legendary in its own right.”

Ang tagumpay daw ng kanilang recent concert ay isang magandang paalala “how much they are loved.”

Magkakaiba man daw ang kanilang estilo at lakas, they belonged to the same era.

Hindi daw itinuturing na competitors ng VHB ang SBD.

Nauna nang sinabi ni Andrea na umaasa siyang magkakaroon sila ng collab kasama ang SBD via a concert–na pinaplano na daw ng VHB. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here