Home ENTERTAINMENT Katya, priority ang anak kesa kasal!

Katya, priority ang anak kesa kasal!

Manila, Philippines – Sampung taong gulang na ang panganay ni Katya Santos.

Siguro naman, it’s about time she conceived another child this time with partner Paolo Pilar.

“Partner” in the sense that they have yet to get married.

At 42, aminado ang dating Viva Hot Babes member that she’s racing against time.

Sa halip na magpakasal sila ni Paulo ay mas gusto ni Katya na magkaanak sila.

Kaso, this is where the problem comes into the picture.

Nag-resort daw kasi si Katya sa IVF o in vitro fertilization noong isang taon.

Umabot na nga raw sa P500k ang nagagastos nila ng kanyang partner puwera pa ang pagpapa-check up.

To make matters worse, natuklasang meron pa siyang myoma at endometriosis that she needs to address bago tuluyang i-implant sa kanya ang na-harvest nang eggs niya.

Sa kasalukuyan, Katya has two eggs, which means na posibleng maging kambal pa ang magiging anak nila ni Paulo.

Pero hiling ni Katya, kahit man lang isang anak ay mabiyayaan sila.

Hopefully, maging matagumpay daw ang resulta ng IVF.

Sa mga kapwa aktres ni Katya, those who have subscribed to IVF ay sina Jennylyn Mercado at Iza Calzado.

Pero ang ending: nagbuntis hanggang makapanganak sila’y nairaos nila ‘yon sa normal na paraan.

Posible rin kaya ito kay Katya once na-address na ang kanyang myoma at endometriosis? Ronnie Carrasco III