Home HOME BANNER STORY Kaugnayan ng Bamban POGO sa Parañaque scam iniimbestigahan

Kaugnayan ng Bamban POGO sa Parañaque scam iniimbestigahan

MANILA, Philippines – Tinitingnan na ng mga awtoridad ang posibilidad ng kaugnayan ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Bamban, Tarlac at sa pinakahuling paglusob sa isang human trafficking and online scamming hub sa Paranaque City.

Naniniwala ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na posibleng nakatakas ang 10 Chinese at Filipino bodyguard na naaresto sa operasyon ng pulisya mula sa naunang nilusob na POGO hub sa Bamban.

Ipinanawagan ni Senador Sherwin Gatchalian ang imbestigasyon kaugnay nito kasunod ng sumbong ng mga residente ng isang barangay.

“Itong mga sindikato umiikot lang sila,” ani Gatchalian.

Ang raid ay isinagawa noong Mayo 2 kasunod ng reklamo mula sa mga homeowners, na nagsabing nilalabag na ng mga istrukturang ito ang 3-story regulations.

Hindi rin umano ito ang unang pagkakataon na may nilusob na POGO sa loob ng kanilang subdivision.

“When we saw Bamban, the structures were so similar…the process of applying for stickers, IDs, and also constructions. Some are using already local identification, passports, birth certificates, driver’s license, postal ID [and] all these things. They can’t even speak Tagalog,” ayon sa isang homeowner sa panayam ng GMA News.

“[I saw] one young teenager, a girl, who jumped from [the] 3rd floor going down na parang tumatakas. (like she was escaping) I reported that to our security. They went to the house. I don’t know what happened. She was limping, going away pero hinabol siya ng mga Chinese and our security people,” dagdag ng isa pang homeowner. RNT/JGC