Home NATIONWIDE Kaugnayan sa NTF-ELCAC, nilinaw ng CBCP

Kaugnayan sa NTF-ELCAC, nilinaw ng CBCP

MANILA, Philippines- Nilinaw ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) nitong Biyernes na tanging ang komisyon nito ang makikipag-ugnayan sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at hindi ang kabuuan.

Sinabi ni CBCP President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na ang paglahok ng Episcopal Commission on Public Affairs sa NTF-ELCAC ay tutugon sa mga alalahanin ng Simbahan sa red-tagging ng ilang mga cause-oriented na grupo.

Sinabi rin ni David na nilayon ng komisyon na magbigay ng “moral-ethical approaches” sa pagtugon sa insurhensya sa bansa.

“It’s not exactly CBCP as a conference but the Episcopal Commission of Public Affairs that is there as a private sector representative,” sinabi ni David.

“As such, this Commission has access to the NTF-ELCAC ExeCom and more opportunity to express the Church’s specific concerns, since its mandate is to act as a liaison of the CBCP to the public and private sectors and to advance some of the social concerns and issues of the Church.”

Inihayag ni David na tatalakayin ng CBCP sa kabuuan ang isyu at susuriin kung kinakailangan para sa komisyon na sumali sa executive committee ng NTF-ELCAC.

Umani ng batikos ang CBCP matapos ang mga ulat na ito ay lumahok sa NTF-ELCAC, na dati ay binatikos dahil sa mga hakbang na kontra-insurhensya nito, kabilang ang umano’y red-tagging ng ilang indibidwal at progresibong organisasyon.

Ilan sa mga miyembro ng Simbahan ang naging target noon ng red-tagging kabilang ang Catholic nun Sr. Mary John Mananzan, kilalang political at feminist activist. Jocelyn Tabangcura-Domenden