Home NATIONWIDE Kauna-unahang babaeng paratroopers sinalubong ng PCG

Kauna-unahang babaeng paratroopers sinalubong ng PCG

257
0

MANILA, Philippines – Nagmarka ng isang bagong milestone ang Philippine Coast Guard (PCG) matapos makumpleto ng tatlong babae ang airborne course ng PCG at naging unang babaeng paratroopers ng ahensiya.

Sa isang pahayag, sinabi ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na si Lt. Junior Grade Deborah Magannon, Seawoman First Honey Beverly Seblos, at Apprentice Seawoman Sahada Sakib ay nakumpleto ang mahigpit na kurso na may “katatagan, disiplina, at puso.”

“Ang kanilang tagumpay ay higit pa sa isang badge; ito ay isang tagumpay para sa bawat babaeng nakasuot ng uniporme at bawat batang Filipina na nangangarap na maglingkod sa bansa,” sabi ni Gavan.

Sa kabilang banda, inihayag ng PCG na ang tatlong tauhan nito ay nakumpleto rin ang Aircraft Counter Hijacking Course Class 02-2025 noong Disyembre 9.

Ang mga nagtapos ay kinabibilangan nina Lt. Cyril Pearl Castroverde, Lt. Junior Grade Roland Addam Blanza Jr., at PO3 Christopher Lee Bien, at sila ang una sa PCG na nakapasa sa taktikal na programa

Ang mga nagtapos ay kumakatawan sa mga pagsisikap ng PCG sa pagpapalakas ng kanilang kahandaang operasyon laban sa mga modern at umuusbong na banta tulad ng kemikal, biyolohikal, radyasyon, nuklear, at iba pang banta sa seguridad. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here