Home NATIONWIDE Kawalan ng panukala sa pagsawata ng korapsyon sa DPWH, kinwestyon ng solon

Kawalan ng panukala sa pagsawata ng korapsyon sa DPWH, kinwestyon ng solon

327
0

MANILA, Philippines – Napapanahon na upang maglatag ang Malaking Kapulungan ng Kongreso ng mga panukalang sasawata at pipigil sa malawakang korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Iginiit ni Bacolod lone district Rep. Albee Benitez na unti-unti nang naiinip ang publiko kung ano ang magiging solusyon upang mahinto ang sistematikong korapsyon sa gitna ng mga pagdinig ng Kongreso

“The people are waiting to see if our chamber can reassert its relevance and act not out of self-interest but for the people’s benefit. I sincerely hope that we can still find practicable solutions to address systemic corruption in our government,” ayon kay Benitez.

Sa pagkakalikha aniya ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ay marapat lamang na makapaghain na ng panukala ang Kamara upang makapaglatag ng mga batas na magbibigay ng ngipin na sasapat upang sugpuin ang mga kasangkot na tinawag ni Benitez na nakahihiyang sabwatan sa pagsasabing “armed with teeth sharp and long enough to bite through the thick skins of those among us who are involved in this shameful conspiracy.”

Giit pa ni Benitez na paparami ng paparami ang mga mambabatas na isinasangkot sa anomalya ng flood control projects na siyang dapat aniyang magtulak sa ICI upang agarang umaksyon at magmadali sa isinasagawang imbestigasyon.

“That more and more lawmakers and powerful personalities, including former Speaker Martin Romualdez, are being accused not so much of dipping their hand in the people’s money, but taking truckloads of it, only emphasizes why it is necessary that the Independent Commission for Infrastructure take immediate action and expedite its ongoing investigation,” ani Benitez.

Sinabi pa ng kongresista na napapanahon din upang talakayin kung ano ang gagawing aksyon sa DPWH, kung ang top-to-bottom reforms ay sapat upang masawata ang sistematikong korapasyon sa ahensa o kailangan itong buwagin at palitan, “has become untenable and we must dismantle and replace it altogether.”

Samantala, matapos tuwirang madawit ang pangalan sa umano’y pagtanggap ng kickbacks mula sa mga flood control projects sa Senado ay tahasang sinabi ni leyte Rep. Martin Romualdez na hindi siya mananahimik at lalabanan niya ang aniya’y “an outright and complete fabrication.”

“I will fight back— not with rhetoric, but with evidence. Kahit kailan, hindi ako nagnakaw ng pondo ng bayan. Hindi ko kailangan ang perang galing sa masama. To the Filipino people, I give you this solemn assurance: I will never betray your trust,” sinabi pa ni dating House Speaker Romualdez. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here