Home ENTERTAINMENT KC, tinawag ulit na ‘dad’ si Sen. Kiko!

KC, tinawag ulit na ‘dad’ si Sen. Kiko!

275
0

Manila, Philippines- Gone are the tampuhan days between KC Concepcion and her stepdad Senator Kiko Pangilinan.

Patunay ang naging pahayag ni KC kasabay ng kanyang pagkakahirang uli bilang goodwill ambassador ng United Nation’s World Food Programme.

Tinawag niya kasing “dad” uli ang mambabatas, sabay pinapurihan niya ang pagiging driving force nito sa kanyang adhikain.

Alam ng lahat na isang advocate ng ating agriculture industry ang kabiyak ni Sharon Cuneta.

Bilang WFP ambassador, titiyakin ni

KC ang universal food access sa lahat ng mga paaralan sa bansa.

Buena mano niyang proyekto ang pagdalaw sa Bangsamoro Autonomous Region in Mindanao.

As expected, larawan ng pagiging isang proud mom si Sharon of her daughter’s civic achievements.

Samantala, what keeps KC on her toes ay ang pagiging busy sa vlogging.

Kamakailan, featured on her vlog ay ang pamamalengke niya–for the first time–sa Farmer’s Market sa Cubao.

Mainit na tinanggap si KC doon ng mga tindero’t tindera na starstruck sa kanya.

Ang bukambibig lang naman niya sa tuwing mamimili ay: “Keep the change!”

Laban kayo? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here