Home ENTERTAINMENT Kean, isang taon ang celeb sa 20th anniv, no to Calla Lilly...

Kean, isang taon ang celeb sa 20th anniv, no to Calla Lilly reunion!

Manila, Philippines- Swak ang pagkakasama ni Kean Cipriano sa nalalapit na reunion concert ng former group mates niya sa ASAP, ang “Love, Sessionistas” on February 8 sa Solaire (south) produced by Fire & Ice.

Ika-20 anibersaryo kasi ni Kean sa entertainment industry this year. Kaya pambungad na selebrasyon daw niya ang “Love, Sessionistas.”

Ayon kay Kean, “Maganda nga itong sessionistas concert namin kasi maganda siyang take-off for the year. Yes, for my 20th.

“Definitely meron akong nilulutong mga kanta. Nag-i-studio work ako. Nagre-recording ako ngayon. Nagre-record ako ng mga kantang matagal ko nang nagawa.

“Kumbaga, nasa recording stage ako ngayon. It’s gonna be a busy year dahil marami akong naka-line-up na gagawin.”

Para kay Kean, isang buong taon ang selebrasyon ng kanyang 20th anniversary.

“And gusto ko siyang maging celebration na pakiramdam ko talaga is yung nagse-celebrate alo ng walang pressure, ng parang eto kasi ito dapat yung yraditional na ginagawa, hindi. Gusto kong maenjoy ang taon. Yun ang goal,” esplika nya.

Madiin ang pagkakasagot ni Kean ng “no” sa amin when asked for a possible reunion with his former band, ang Calla Lily.

“No, no, no. Wala,” sabi ni Kean.

Mukhang di pa rin sila okay ng kanyamg former bandmates sa Calla Lily.

“For me it’s ano, okay na yun. Maganda na yung nagawa ng banda and I respect that.

“It’s been a great ride,” lahad ni Kean.

So, ‘wag nang umasa pa ang mga fans ng Calla Lily na may reunion na magaganap sa kanilang favorite band. Julie Bonifacio