Bulacan – Arestado ang Most Wanted Person (Regional Level) na magtatatlong taon nagtago sa batas matapos silbihan ng Warrant of Arrest (WOA) ng mga awtoridad sa bayan ng Marilao.
Sa report na nakarating kay Bulacan Police director PCOL, Satur Ediong, kinilala ang wanted na si alyas Jayson, 43, residente ng Brgy. Bunlo, Bocaue.
Nabatid na ang wanted ay naaresto nitong January 18 nang silbihan ng WOA sa manhunt operation ng tracker team ng Marilao police station at Warrant section ng San Pedro, Laguna.
Sinasabing ang WOA sa kasong rape ay inisyu noong Abril 19, 2022 ng Branch 17 ng Regional Trial Court, City of San Pedro, Laguna.
Humihimas na ng rehas na bakal ang wanted para harapin ang batas. Dick Mirasol III