Home ENTERTAINMENT Keanna, may raket sa OWWA, mabenta sa bagets!

Keanna, may raket sa OWWA, mabenta sa bagets!

Manila, Philippines- Ang dating sexy star na si Keanna Reeves ang latest na subject ng isang interview.

Pagbibida nga ng host, kahit matagal na silang hindi nagkikita ni Keanna ay wala pa rin itong ipinagbago.

Nakasanayan na kasi ang imahe ni Keanna who speaks her mind, na nagpapakatotoo lang keber kung may masaktan itong damdamin ng iba.

Ang mahalaga raw, ani Keanna, taas-noo niyang maipagmamalaki kahit ninuman na nagpapaka-authentic lang siya.

Isa nga rin sa mga napansin ng host ay ang tila lumaki nang boobs nito.

“Ang bigat nga, eh!” reklamo ni Keanna.

Pero at least daw, masasabing “pioneer” siya sa aspeto ng palakihan ng boobs.

Hindi raw tulad ngayon na ang dami-dami nang nagpapaopera ng kanilang mga boobs, lumaki lang.

“Eh, ‘yung iba, nagpaopera nga, hulugan naman!” sabay nakipag-apiran kay Ogie.

Nothing much, if not nothing at all has changed in the former Pinoy Big Brother housemate.

Maging sa preference niya sa mga lalaki’y hindi nagbago.

“Mabenta pa rin ang lola mo sa mga bagets! Ayoko nga sa may-asawa!” Keanna shared, citing the advantages ng pagpatol sa mga mas batang boylet na wala pang pananagutan sa buhay.

Pero paglilinaw niya, jowa-jowa lang daw ang mga ‘yon; nothing serious.

Hindi nangiming aminin ni Keanna na “gatasang baka” ang peg niya sa mga bagets na ‘yon.

Buti na lang daw ay may inilalabas siyang datung pag umurot ang mga ito sa kanya.

Kadalasan ay ang bagets lover na rin niya ang nagsusumiksik sa bahay niya.

Enjoy naman daw siya sa pag-aasikaso sa mga ito.

“Siyempre, pag may jowang bagets ang lola mo, puno ng pagkain ang ref! Nandu’n ‘yung ipagluluto ko sila,” baklang-baklang sey ni Keanna.

Eh, paano kung nanganganib na ang budget niya?

Pag dumating na raw sa puntong ‘yon: “Sinasabi ko, uwi ka muna sa inyo!”

Hindi man gaanong aktibo si Keanna sa showbiz ay may pinagkukunan naman daw siya ng kanyang ikinabubuhay.

Kinuha raw kasi siya ni dating OWWA Chief Arnel Ignacio para magtimon ng isang programa which caters to the OFWs.

Kasama niya sa naturang show ang isang abogado, at siya naman ang sagot sa entertainment side.

Kahit paano’y hindi naman daw siya completely nganga. Ronnie Carrasco III