Home NATIONWIDE PBBM nagtalaga ng bagong OWWA administrator

PBBM nagtalaga ng bagong OWWA administrator

MANILA, Philippines – ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Migrant Workers Undersecretary Patricia Yvonne Caunan bilang bagong administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Pinalitan niya si Arnell Ignacio.

Nanumpa sa kanyang bagong tungkulin si Caunan sa harap ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, araw ng Biyernes.

Bago pa ang kanyang appointment bilang OWWA administrator, nagsilbi si Caunan bilang Undersecretary for Policy and International Cooperation sa DMW mula August 2022 hanggang sa kasalukuyan.

Sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang Undersecretary for Policy and International Cooperation, tumulong si Caunan na ‘mag-negotiate at mag-facilitate’ ng nilagdaang 15 bilateral labor migration agreements simula pa noong 2022.

Ang bawat kasunduan ay naglalayon na palakasin at pagtibayin ang proteksyon at kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa ‘partner countries’ gaya ng Canada, Austria, Saudi Arabia, Qatar, Finland, Denmark, Singapore, Croatia, Slovenia, at Kuwait.

Pinangunahan din ni Caunan ang well-regarded law firm kasama ang mga eksperto sa paggawa, sibil, administratibo at criminal law.

Siya rin ay naging ‘active advocate’ para sa karapatan ng mga migrant workers, nagpapaabot ng free legal assistance at counsel sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo. Kris Jose