Home NATIONWIDE Honorarium ng mga guro sinimulan nang ipamahagi

Honorarium ng mga guro sinimulan nang ipamahagi

MANILA, Philippines – Sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pamamahagi ng honorarium para sa mga guro na nagsilbi bilang poll workers sa katatapos lamang na national at local elections (NLE).

Sinabi ni Comelec Chairman George garcia na target ng poll body na makumpleto ang bayad para sa mga guro ng hindi bababa sa 10 araw pagkatapos ng elections.

Ang mga guro na nagsilbi bilang mga election registration board (ERB) members ay makakatanggap ng karagdagang P2,000 honoraria. Nangangahulugan ito na ang ERB mmebers ay makakatanggap ng P10,000 at chairpersons ay P12,000.

Ayon sa poll chief, ilang mga rehiyon ang nakatapos na ng pagbabayad sa mga guro kabilang ang Region 3 o Central Luzon.

Matatandaan na sinabi ng Comelec na nasa 186,000 guro ang magsisilbi bilang miyembro ng ERB ang kanilang sinanay para sa 2025 midterm elections. Jocelyn Tabangcura-Domenden