Home ENTERTAINMENT Kelley Day at Yuki Sonoda, nagkabugan sa pelikula!

Kelley Day at Yuki Sonoda, nagkabugan sa pelikula!

220
0
Screenshot

Manila, Philippines – Matagumpay ang ginanap na Gala Night ng pelikulang “All About Her” sa Gateway Cinema at sold out ang tickets.

Ito’y mula sa award-winning direktor na si Joel Lamangan at sa screenplay ni Quinn Carrillo.

Ang pelikula ay entry sa 8th Sinag Maynila Independent Film Festival (Full Length Film Category).

Ang movie ay ukol sa dalawang babae na naghahangad na maging reyna ng isang beauty pageant.

Ang All About Her ay isang drama-thriller movie tungkol sa hiwagang bumabalot sa pagkamatay ng isang beauty queen.

Sumasalamin ito sa mga tunay na kaganapan sa mga beauty contest na interesadong-interesado lagi ang maraming Pinoy.

Karamihan ng mga elementong nangyayari sa mga beauty contest ay makikita rito tulad ng dayaan, gamitan, exploitation, at iba pa.

Ang pelikula ay pinagbibidahan nina Yuki Sonoda, Kelley Day, at Tony Labrusca.

Nagpakita nang husay ang cast nito, lalo na sina Kelley at Yuki na nagpatalbugan sa kanilang pagganap sa role na mag-BFF, pero may kanya-kanyang agenda pala ang dalawa. Pasado ang acting dito nina Yuki at Kelley, na in real life ay mag-BFF talaga.

Actually, mismong si Direk Joel ay pinuri ang mga artista niya rito.

Aniya, “Ngayon lamang ako gumawa ng pelikula na ang lahat ng kasama ko ay baguhan at natutuwa ako sa karanasan dahil surprisingly ay magagaling silang lahat.

“Mahuhusay ang performances nilang lahat, lalaki at babae, mahuhusay silang lahat dito sa aking nagawang pelikulang ito. “Maipagmamalaki ko silang lahat, mahuhusay sila,” diin pa ni Direk Joel.

 Mahalaga ang mga flashback na mapapanood dito para masundang mabuti ang takbo ng istorya at dito nagtagumpay si Quinn Carrillo.

Nagpasalamat siya sa mga kasama sa pelikula, lalo na kay direk Joel.

“To direk Joel, for giving me the chance to write this ambitious story telling, kasi talagang I’ve always wanted to write one of these. Iyong kakaiba ang narrative, yung chronology…

“Si Direk Joel ang nagbigay sa akin ng concept, ng ideas, and the chance para matahi-tahi namin ng ganito iyong istorya. And of course to our amazing producers, for giving us the chance to make this movie happen, maraming-maraming salamat po,” pahayag ni Quinn.

Anyway, kaabang-abang ang ending ng pelikula, lalo na sa unti-tunting pag-reveal sa mga mahahalagang eksena at pag-alis sa maskara ng mga main character na susi para ma-solve ang misteryong nasa likod ng krimen.

Tampok din sa All About Her sina Itan Rosales, Marco Gomez, Angelica Cervantes, Pancho Magno, at Jim Pebanco. Hatid ng 3:16 Media Network, executive producers dito sina Ms. Len Carrillo, Melanie Uy, Mike Lazo, at Jharvis Ong. Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here