Home ENTERTAINMENT Janine, asar kay Suntay!

Janine, asar kay Suntay!

154
0

Manila, Philippines – Hindi  nagustuhan ni Janine Gutierrez ang ginawang pambabastos ni Quezon City 4th district Rep. Bong Suntay kay Anne Curtis.

Diring-diri siya sa ginawing ito ng nasabing kongesista, at aniya ay sobrang nakakagalit.

Para sa dalaga, lantarang kabastusan at kawalang respeto sa mga kababaihan ang inasal ng nasabing kongresista lalo’t ginawa niya ito sa isang congressional hearing.

Dagdag pa ng girlfriend ni Jericho Rosales, ang sama raw pakinggan ng sinabi ni Cong. Suntay tungkol kay Anne, na pinapantasiya niya ito sa kanyang isipan.

At sana raw, pagkatapos i-bash ng mga netizen si Cong. Suntay ay maging aral daw sana ito sa ibang mga kalalakihan na ang pambabastos ay hindi katanggap-tanggap.

Pinuri naman ni Janine si Anne sa naging aksyon nito laban kay Suntay at sa paninindigan nito para ipaglaban ang karapatan ng mga kababaihan.

Ginamit daw ni Anne ang kanyang  platform para magsalita in behalf sa mga kababaihan na nakaranas din ng pambabastos tulad niya. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here