Home METRO Kelot arestado sa baril sa Caloocan

Kelot arestado sa baril sa Caloocan

MANILA, Philippines – SWAK sa kulungan ang isang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril makaraang salakayin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng search warrant sa Caloocan City.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Section 28 of RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulations Act) ang naarestong suspek na si alyas “Dodong”, 37.

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Sta Quiteria Police Sub Station 6 na nag-iingat umano ng hindi lisensyadong baril ang suspek

Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Caloocan City Regional Trial Court Branch 130 Executive Judge Raymundo G Vallega noong March 4, 2024 para sa paglabag sa RA 10591, hinalughog ng mga tauhan ng SS6 ang bahay ng suspek sa 48 Mabolo St., East Libis Baesa, Brgy., 160, dakong alas-5:00 ng hapon.

Nasamsam ng pulisya sa loob ng bahay ng suspek ang isang cal. 38 revolver na may dalawang bala at nang wala siyang maipakita na mga dokumento hinggil sa ligaledad ng nasabing armas ay binitbit siya sa selda. Rene Manahan

Previous articlePadilla kumakalap ng pirma vs pag-aresto kay Quiboloy – Zubiri
Next articlePasok sa ilang paaralan sa Quezon, CamSur sinuspinde sa military airstrike