MANILA, Philippines – Sinuspinde ang pasok sa ilang paaralan sa bulubunduking lugar sa Tagkawayan, Quezon at Del Gallego, Camarines Sur dahil sa nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng militar at mga rebelde.
“For security purposes, there is a necessity to declare that classes in the mountain zone areas and others affected be suspended until the fighting has ended and with the green light confirmation of the Military and PNP,” pahayag ni Tagkawayan Mayor Luis Oscar Eleazar.
“All students are suggested to stay indoors to mi\nimize the aggravation and to prevent more compromises to peace and security,” dagdag pa niya.
Kabilang sa mga apektadong paaralan ay ang Mapulot, Maguibay, Tunton, at Munting Parang.
Nagsasagawa ng operasyon ang mga militar sa umano’y mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na naghahanda ng pag-atake bago ang anibersaryo nito.
“Nagsagawa po tayo ng combat operation,” ani Major Frank Roldan, 9th Infantry Division Public Affairs Office (DPAO) chief, sa panayam ng DZBB nitong Miyerkules, Marso 6.
“Kasama naman po yun sa capability ng ating nga kasundaluhan, yung tinatawag nating close air support sa tuwing engkwentro,” dagdag niya.
Sa kasalukuyan ay wala pang naitatalang mga nasawi o nasaktan bagama’t nagpapatuloy pa rin ang military operation sa lugar. RNT/JGC