MANILA, Philippines- Mahigit P1 milyong halaga ng shabu ang nasabat mula sa isang 42-anyos na lalaki sa isang drug sting operation sa Tondo, Manila noong Lunes.
Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Reynaldo Arcilla, residente ng Sta. Rita Street, Tondo, Manila.
Base sa mga awtoridad, nadakip ang suspek sa loob ng kanyang bahay kung saan nila narekober ang P1,088,000 halaga ng shabu na nakalagay sa tatlong plastic sachets.
Nasabat din ang isang caliber .45 Armscor pistol na may anim na live ammunition at isang .45 MK2 fragmentation hand grenade mula sa suspek.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), batay pa sa mga pulis. RNT/SA