Home METRO P31M tobats nabingwit sa Batanes, Cagayan

P31M tobats nabingwit sa Batanes, Cagayan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan- Nadiskubre ng mga mangingisda ang mga pakete ng hinihinalang shabu na palutang-lutang sa dagat sa lalawigang ito at sa Batanes noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Police Major Sharon Mallillin, tagapagsalita ng Police Regional Office 2, na apat na pakete na may timbang na kabuuang 4.5 kilo at nagkakahalaga ng P31.1 milyon ang natuklasan.

Sinusuri na ng Cagayan Valley Region Police Forensic Group ang purity at grade ng ng kontrabando mula sa mga bayan ng Sanchez Mira, Aparri, Calayan, at Abulug.

Nanawagan si Mallillin sa mga mangingisda na agad na iulat at i-turnover sa mga pulis ang anumang nakukuha nitong ilegal na droga.

Nag-alok naman si Calayan Mayor Joseph Llopis  ng P25,000 sa mangingisdang nagsuko ng palutang-lutang na pakete ng shabu sa munisipalidad. RNT/SA